December 22, 2024

Lasing na driver kalaboso binangga ang dalawang police patrol car sa Pila, Laguna

KALABOSO ang sinapit ng isang lasing na driver na nagmamaneho ng kulay maroon na Mitsubishi Lancer at may plakang WEM 258 makaraang aksidenteng banggain ang dalawang nakaparadang Toyota Hilux mobile patrol car ng Pila Municipal Police Station pasado alas diyes ng gabi araw ng Lunes December 9, 2024 sa National Híghway ng Brgy. Bulilan Norte, Pila, Laguna.

Kinilala ang lasing na driver na si Michael Angelo Briones, nasa hustong gulang at residente sa kaparehong lugar.

Base sa report ng Pila Municipal Police Station nakaparada sa gilid ng kalsada ang dalawang patrol car ng bigla na lamang salpokin ng rumaragasang sasakyan ng suspek na nawalan ng kontrol sa manibela na nakatulog  sanhi ng pagkalango sa alak at kalasingan.

Dahil sa pangyayari ay nawasak at nagkayupi yupi  ang mga unahan at tagiliran ng mga police car at agad na inaresto ang suspek na nakuhanan pa ng bote ng alak sa kanyang sasakyan.

Mahaharap ang nakakulong ng suspek sa Multiple Damage to Properties at Driving Under Influence of Alcohol. (Erichh Abrenica)