Umani ng reklamo ang Las Piñas LGU dahil sa kulang na sistema sa gitna ng pagdagsa ng mga gustong magpabakuna simula kaninang madaling araw.
Ang Las Piñas ay isa sa mga LGUs sa NCR na may naitalang COVID-19 delta variant.
Reklamo ng mga nakapila, alas-4:00 pa sila ng umaga pero ‘di umuusad dahil sa singitang nangyayari na wala namang naitalagang mag-aayos ng pila.
Napa-upo at napaiyak na lamang si Alias Zeny mula sa Pulang Lupa 1 dahil madaling araw pa siya nakapila.
Aniya, bandang alas-7:00 na ng umaga nang masabihan sila na mali ang kanilang pinilahan.
Walang magawa si Aling Zeny kundi lumipat na lamang sa tamang pila para sa kanilang lugar sa pulang lupa uno. Tikom bibig naman ang ilang health workers sa mismong vaccination sites para sa reaksyon kaugnay ng pagdagsa ng mga tao, dahil kailangan pa raw makipag-coordinate sa City Hall bago sila magsalita sa media.-
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna