Inanunsyo nitong Huwebes, Enero 20, ni Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar ang pagkakapasa ng lungsod sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Siinabi ni Mayor Aguilar na kinilala ng DILG ang mga naging hakbang ng Las Piñas LGU sa pagpapanatili ng magagandang gawain nito sa fiscal accountability at transparency sa pamamahala sa lokal.
Base sa rekomendasyon ng DILG-Bureau of Local Government Supervision (DILG-BLGS), ang Las Piñas City ay kabilang sa tatlong lungsod na kinilala bilang DILG’s 2021 Good Financial Housekeeping Passers. Ang dalawang siyudad na kasama ng Las Piñas ay ang Makati at Muntinlupa.
Inihayag pa ng alkalde na ang naturang pagkilala ay sertipikado at aprubado ng ahensya sa National Capital Region (NCR) na may petsang Nobyembre 5,2021.
Ayon kay Maria Lourdes Agustin, DILG Regional Director, na ang kriterya ay ibinatay sa katatapos lamang na available COA Audit Opinion at compliance with full disclosure policy.
Lubos na nagpapasalamat si Mayor Aguilar sa ibinigay na pagkilala sa Las Piñas City government at nangakong ang kanyang administrasyon ay patuloy sa pagbibigay ng magandang pamamahala at mas maayos na mga serbisyo para sa mga Las Piñeros.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA