NAGKASALA sa kasong gross misconduct si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon.
Niliwanag ito ng Korte Suprema sa inilabas na desisyon ngayong hapon laban kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, na nagsasaad rin ng parusang disbarment o pagkakatanggal ng lisensiya bilang abogado.
Bukod sa disbarment, pinagmumulta si Gadon ng halagang ₱150,000 dahil sa kanyang pagkakasala.
Lumabas sa imbestigasyon ng Integrated Bar of the Philippines na ilang beses nagsinungaling at gumamit ng mga hearsay na ebidensya sa kasong impeachment laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at iba pang Mahistrado si Gadon. Ngunit dahil una nang na-disbar si Gadon ay hindi na ipinataw sa kanya ang parusa kundi pinagbabayad na lamang siya ng Kataas-taasang Hukuman.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA