June 9, 2025

LARGA BATANGAS PA RIN SA SECOND DISTRICT

BATANGAS — Muling napatunayan ni Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ng Ikalawang Distrito ng Batangas ang matatag na suporta ng kanyang mga kababayang nasasakupan matapos siyang magtamo ng landslide victory kontra sa kanyang mahigpit na katunggali na si dating three-termer at dating Deputy Speaker na si Raneo Abu, para sa pagka-kongresista.

Sa opisyal na bilang ng boto si Luistro ay nakakuha ng kabuuang 109,478 boto, habang si Abu naman ay nagtala lamang ng 66,583 boto — isang malaking agwat na nagsilbing matibay na patunay na mandato mula sa taumbayan.

Sa naging panayam ng media matapos ang kanyang naging proklamasyon, nangako si Luistro na lalo pa niyang paiigtingin ang kanyang serbisyo para sa anim na bayan tulad ng Lobo, San Pascual, Bauan, Mabini, Tingloy, at San Luis, na bumubuo sa distrito. (ERICHH ABRENICA)