December 25, 2024

Lapid’s internet data law very helpful

Malaking tulong sa mga mahihirap na Pilipino ang proposed bill ni Sen. Lito Lapid na “roll over data” scheme para sa mga internet service providers. 

Ayon sa panukalang batas, mawawala ang expiration date ng mga hindi nagamit na internet data maging regular o promo. Yung mga hindi nagamit na internet data ay magtutuloy tuloy hanggang sa katapusan ng taon. 

Yung mga data na naiipon sa loob ng isang taon ay magiging rebate at maaring i-convert uli ito na inyernet data. 

Malaking tulong ang panukalang ito sa mga mahihirap lalo na sa panahong may online & asynchronous learning. This will give a chance for the poor to avail of cheaper internet load. 

Malaking benepisyo din yung mga ordinaryong manggagawa, self-employed at maliliit na businesses na nakadepende sa internet load sa kanilang work from home, work away from office at online business. 

Kung tutuusin, tubong lugaw ang mga telcos at mga internet service providers dahil sa napakadami ng gumagamit ng data ngayong panahon at sobra sobra ang kanila kinikita sa bawat araw. 

Very practical, timely, relevant and pro-poor ang panukalang ito ni Leon Guerrero ng pelikulang Pilipino.  Minsan lang magparamdam si Sen. Lapid pero kapag umeksena naman may sense. Salamat po Senatior Lito. Lapid!