Sapul ng COVID-19 si Senator Lito Lapid base sa resulta ng kanyang COVID-19 RT-PCR test at siya ay kasalukuyang ginagamot sa Medical City Clark.
Ayon sa kaniyang Chief of Staff na si Atty. Jericho Acedera, ikinokonsidera ng mga doktor na mild to moderate ang kondisyon ni Senator Lapid.
Kaugnay nito ay pinapayuhan ang lahat ng nagkaroon ng close contact kay Senator Lapid na sumailalim din sa kinalailangang test at sumunod sa itinatakdang COVID-19 protocols.
Humihiling ng panalangin si Atty. Acedera para sa agarang paggaling ni Senator Lapid at ng iba pang tinamaan din ng virus kaakibat ang pag-asa na matatapos na ang kinakaharap nating pandemya sa lalong madaling panahon.
Si Lapid ay ikapitong senador na nagpositibo sa COVID-19.
Naunang nahawa ng virus at gumaling na sina Senator Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Aquilino “Koko” Pimentel, Ronald “Bato” Dela Rosa, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Richard Gordon.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON