
MULING isusulong ni Senador Lito Lapid ang panukalang Agricultural Pension Fund Act or Senate Bill No. 1230 sa bagong balangkas ng Kongreso na magbibigay ng pensyon sa mga magsasaka at mangingisda.
Ginawa ni Lapid ang hakbangin sa isang panayam sa lalawigan ng Batangas ngayong araw.
Sinuyod ni Lapid ang mga palengke sa lalawigan ng Batangas at Quezon ngayong Miyerkoles.
Ang lalawigan ng Batangas at Quezon ay isa sa mga pangunahing source ng mga agriculture product, gaya ng mga prutas, mga isda, niyog at palay.
Samantala, nagsagawa ng motorcade si Lapid sa ilang bayan sa Batangas at Quezon nitong Abril 30 at masayang sinalubong ng mga kababayan natin.
More Stories
Kailan Malilinis ang Pangasinan sa Salot na Sugal?
Islay Bomogao todo-handa para sa IFMA World Championships; target ang tagumpay sa Muay Thai sa Turkey
SSS, Pinalawak ang mga Programang Pautang para sa mga Miyembro at Pensyonado