MULA sa lion’s den, ay nasa tiger’s territory na ang tinaguriang ‘catquick’ dribbler na si Lanze Ronquillo.
Sa pagpasok ng panibagong season ng Universities Athletic Association of the Philippines(UAAP) ay magsusuot na ng gold and white jersey ng UST ang dating redshirt ng San Beda U na si Lanze sa timon ng kanyang dating mentor na si coach Manu Inigo.
Si Ronquillo na isa sa mga itinuturing na court general sa scholastic basketball ay nagsimulang mapansin ang kanyang potensiyal at nahasa sa San Beda University mula kids hanggang junior division ng basketball operation sa kumpas ng mga magigilas niyang naging coaches.
Si Lanze ay kabilang din sa SBU boys team na nagkampeon sa prestihiyosong invitational international tournament sa Thailand(2018) na naging daan upang personal silang batiin ng Pangulo noong si Rodrigo Duterte sa Malacañang sa pamamagitan ni dating SAP Bong Go( Senador ngayon).
Ang talento sa court generalship at outside shooting ay nakilala na rin ng ibang semi commercial na liga sa Metro Manila bilang cross training at scholastic season preparation.
Tiyak na malaki ang maiaambag ni Ronquillo sa kampanya ng UST Tiger Cubs next school year katuwang ang isa pang big catch na si Basty Castro na dodomina sa paint area at ang buong tropang España young cagers.
” I-give ko po ang best ko every game for my new team .Thanks po sa tiwala ni coach( Manu) at ng UST management. Hear us roar next UAAP season,” wika ng batang Ronquillo.
Si Lanze ay anak ni basketball enthusiast at Cocolife executive Joseph ‘Otep’ Ronquillo.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW