Kasado na ang “Langoy Pilipinas’ Age-Group Swimming Championship sa Hunyo 16 sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.
Inorganisa ng GoldenEast Ads Promo and Events na pinamumunuan ni coach Darren Evangelista, kabuuang 450 atleta mula sa 34-swimming club ang sasabak sa kompetisyon na naglalayong palakasin ang grassroots program sa bansa.
Para sa Kabataang (babae at lalaki) na may edad 17-pababa ang maglalaban sa torneo na hahatiian sa tatlong kategorya – ang class A, B, C.
May ispesyal na kategorya (Open) sa 50m freestyle para sa elite swimmers na maglalaban sa winner-take-all Battle Royale kung saan nakalaan ang P5,000 premyo para sa gold medalist.
“Marami pa ang gustong sumali, pero nilimit lang namin sa 450 para mapabilis din ang kompetisyon. Aside from nurturing our young swimmers, fund-raising din ang ating event. The proceeds from this event will go to our Aetas brother in Pampanga and Zambales,’ pahayag ni Evagelista, NCAA swimming coach champion sa Perpetual Help, sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila.
“Hindi namin ito magagawa kundi sa suporta rin ng ating mga kaibigan mula sa Unilab, Ying Fa Pilipinas at sa SOLID (Sports Organization Learning Institute for Sports, Inc.),” sambit Evagelista.
Kasama niya sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat, si tournament director Jojo Manaloto, head coach ng Emilio Aquinaldo College-Cavite na sumasabak sa NCAA-South.
“Masaya kami dahil bukod sa naiaangat natin ang sports na swimming, nakatutulong pa tayo para maiangat ang katayuan ng ating mga kapatid na Aeta. Tulad ng iba pang indigenous people, kailangan nila ang pagkalinga at suporta para makaalpas sa kahirapan,” pahayag ni Manaloto na halos dalawang dekada na nanilbihan sa ibang bansa bilang swimming coach at Life Guard.
“Actually, matagal na naming ginagawa ang pagtulon sa mga Aetas. Gumawa ako ng swimming clinics at tinuruan ko ang mga Aetas. Ngayon, mula sa pagtatanim na kamote karamihan sa kanila nasa abroad na rin at nagtatrabho na Life Guard,’ sambit ni Manaloto.
Hinikayat ni Manaloto ang iba pang event at sports organizers na isama sa kanilang programa ang pagtulong sa mga mahihirap na kababayab kabilang na ang Indigenous people.
‘Tunay na mahirap silang ialis sa nakasanayan nilang pamumuhay, pero marami na rin sa ating mga IP ang naghahanap ng pagbabago sa kanilang sarili at buhay,” aniya.
Ayon kay Evangelista may nauna na siyang pakikipag-usap kay PSC Commissioner Fritz Gaston upang mapalawak ng ahensiya ang programa sa IP. Ang dating basketball star ang nakatoka sa IP Games ng ahensiya.
Binanggit din ni Evanglista na naglaan sila ng makabuluhang kagamitan tulad ng Jordan shoes at 45 inc, TV set bilang premyo sa raffl draw ng mga kalahok na coaches at swimmers.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA