Nagretired na si Brooklyn Nets big man LaMarcus Aldridge sa paglalaro ng basketball. Ito’y matapos niyang ihayag na mayroon siyang problema sa puso.
Ayon sa 35-anyos na 7-time NBA All-Star, nakaranas siya ng irregular heartbeat noong laban ng Nets at Los Angeles Lakers.
Aniya, lalong lumalala ang kanyang kondisyon nang sumunod na laro. Kung kaya, nagpatingin siya sa ospital.
“With that being said, I’ve made the difficult decision to retire from the NBA. For 15 years, I’ve put basketball first, and now it is time to put my health and family first.”
Sumampa si Aldridge sa Nets noong nakaraang Marso matapos ang 6 na taoang paglalaro sa San Antonio Spurs.
Gumugol din siya ng 9 na taon sa Portland Trail Blazersa noong 2006 hanggang 2015.
Pinili siyang Chicago Bulls via second round overall pick noong 2006 drat bago ma-trade agad sa Portland.May average siyang 19.4 points, 8.2 rebounds per game sa loob ng 1,029 regular appearances sa liga.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!