Nakatakdang umalis ni LaMarcus Aldridge sa San Antonio Spurs. Ito ang sinabi ni Spurs coach Gregg Popovich sa mga reporters.
Hindi na aniya maglalaro sa team ang big man nila at nais na itong mai-trade.
“We’ve mutually agreed to work out some opportunities for him and that’ll be elsewhere,” ani Popovich sa per USA Today.
Inulat din ni ESPN’s Adrian Wojnarowski na bukas ang Spurs sa trade talks. Hindi nakalaro ng 12 games ang 35-anyos na Aldridge. Kabilang na ang laban sa Mavericks.
May average siyang 13.7 points at 4.5 rebounds sa loob ng 21 games ngayong current season. Nasa final year din siya ng kanyang contract sa Spurs. Magiging unrestricted free agent na siya sa summer.
“He’s done everything we’ve asked. And at this point, we’d just like to do something that will work for him as much as for our club, because he deserves that,” ani Popovich.
Sa ngayon, si Jakob Poeltl ang umukupa sa position ni Aldridge sa starting line-up.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2