TALIWAS sa usap-usapan sa social media, hindi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng video kung saan nakita ang isang lalaking “sumisinghot ng cocaine.”
Sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kumalat na video, nilinaw ng ahensya na malayo sa “facial structures at physical attributes” ng Pangulo ang lalaki sa tinaguriang “polvoron video.”
Sa isang kalatas ng NBI, hayagang sinabi ng ahensya na “edited” ang nag-viral na video, batay na rin anila sa resulta ng Deepware app – isang software na may kakayahan tumukoy ng “deep fake” at “genuine” video.
Una nang binatikos ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang nasa likod ng aniya’y bahagi ng panibagong destabilization plot laban sa administrasyon.
Suspetsa ng mga kaalyado ni Marcos, mga alipores ni former President Rodrigo Duterte ang nasa likod ng bigong tangka pabagsakin ang gobyerno.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO