BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki matapos tutukan ng baril ang kanyang inutangan makaraang singilin siya ng biktima sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, mahaharap ang suspek na si alyas ‘Noel’, 45, ng Padrigal Extension, Brgy. Karuhatan sa kasong paglabag sa R.A.10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code at grave threats.
Ani P/Capt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation Unit, siningil umano ng biktimang si alyas ‘Ray’, 38, ng Brgy. Marulas ang suspek nang magkita sila sa La Huerta St., Brgy. Marulas subalit, nauwi ang mga ito sa pagtatalo.
Sa kainitan ng pagtatalo, naglabas ng baril ang suspek at tinutukan sa dibdib ang biktima na sa labis na takot ay nagtatakbo at humingi ng tulong sa Valenzuela Police Sub-Station 3.
Kagaad namang rumesponde ang SS3 sa pangunguna ni P/Capt. Manuel Cristobal na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang improvised gun na kargado ng isang bala ng kalibre .38.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA