PATAY ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nagbibisikleta matapos malaglag sa Nagtahan-Rotonda bridge noong Biyernes ng gabi sa Sta. Mesa, Manila.
Inilarawan ni P/SSg. Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section ang naturang biktima na nasa pagitan ng 30 hanggang 40 ang edad, katamtaman ang pangangatawan, nasa 5’5 hanggang 5’6 ang taas. Nakasuot ng sweat shirt, faded black denim pants at itim na tsinelas.
Naganap ang insidente dakong alas-6:50 ng gabi, nang makita ng isang dumaraan ang katawan ng biktima na nakahandusay sa Legarda A. Magsaysay rotunda.
Ayon sa saksi na si Ranilo Simbajon, 41, habang naghihintay siya ng pasahero ay nakita niyang nalaglag ang biktima sa tulay.
Wala namang narinig na anumang komosyon sa naturang aksidente at hindi rin batid kung bakit nalaglag ang naturang biktima.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pangyayari, habang dinala naman ang katawan ng lalaki sa Cruz Funeral Home para sa awtopsiya.
More Stories
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas