November 5, 2024

Lalaking nagbebenta ng sex video arestado ng NBI

NASAKOTE ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang isang lalaki sa Cebu dahil sa pagbebenta ng pornographic materials online sa Cebu City.

Nag-ugat ang pag-aresto ng NBI sa suspek na si Romilo Romero nang makatanggap ng ulat ang NBI-AHTRAD mula sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking – Cyber-TIP Monitoring Center (DOJ IACAT-NBI CYBERTIP).

Ayon sa DOJ IACAT-NBI CYBERTIP, may isang indibiduwal na nasa likod ng Twitter account @MarkjasonCj na gumagamit ng ibang social media platforms gaya ng Telegram at Facebook para i- promote at magbenta ng sarili niyang gawang video na nagpapakita ng pakikipagtalik niya sa mga kabataang lalaki.

Natunton ng NBI si Romero,residente ng Cebu City at siyang may-ari ng

Twitter account @MarkjasonCj na nagbebenta ng pornographic materials ng mga bata .

Nag-aalok rin umano si Romero ng mga kabataang lalaki para sa mga gustong magbayad na customer sa Cebu City at para sa cybersex.

Armado ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng Cebu RTC Branch 11 ay pinuntahan ang suspek sa Sitio Cabancalan II, Bulacao, Cebu City noong Hulyo 29 at naaresto si Romero, sa aktong naga-alok ng pakikipagtalik kapalit ng pera.

Sinampahan ito ng kasong paglabag sa Section 5(b) of RA 9208 na inamiyendahan bilang RA 11862 and RA 9775 at kilala bilang “Anti-Child Pornography Act of 2009 in relation to RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012. Sa Cebu Prosecutors Office.

Itinurn-over naman sa DSWD ang menor de edad na lalaki na nasagip ng NBI.