Nakalaya na matapos ang halos isang dekadang pagkakabilanggo ni Derek Harris, isang lalaki sa Lousiana, United States na hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa pagbebenta ng hindi bababa sa $30 (nasa P1,500) na marijuana.
Ayon sa inilabas na balita ng Promise of Justice Iniative, isang New Orleans-based nonprofit, umabot sa siyam na taon ang binuno ni Haris sa loob ng kulungan bago ito tuluyang nakalaya.
Nakalaya si Haris dahil sa coronavirus, kung saan napaulat na ilang daang bilanggo at mga tauhan ng bilangguan ang nakapitan ng COVID-19.
“This delayed justice was a terrifying ordeal for Derek and his family,” ayon kay Mercedes Montagnes, nonprofit’s executive director.
“As COVID-19 rates continue to rise in DOC facilities, every day spent in Angola was a tremendous risk for Derek’s health and safety.”
Ang paglaya ni Harris ay unang hakbang para makapagsimula muli ng panibagong buhay, ayon naman sa abogado niyang si Cormac Boyle.
“Supporting Derek did not end with overturning his egregious life sentence and it did not end the day he walked out of Angola,” dagdag pa ni Boyle.
Ilang taon din nagtrabaho sa ospital ng kulungan si Harris pero ngayong malaya na siya ay isa na rin siyang certified tambay kung saan kailangan niya ng tulong para sa gamot at iba pa niyang pangangailangan upang makapagsimulang muli.
“Righting the harms done to a person through incarceration includes supporting their health, housing, and adjustment to their long-deserved freedom we need all the help we can get,” ani ni Boyle.
Si Harris, ay isang military veteran na naaresto noong 2008 sa Abbeville, Louisiana dahil sa pagbebenta ng .69 gramo ng marijuana. Siya ay una nang hinatulan at sinistensiyahan ng 15 taon na pagkakakulong, ayon sa Supreme Court ng nasabing bansa.
Noong 2012 ay muli siyang hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong base sa Habitual Offender Law, kung saan pinapayagan ang mga judges na hawakan ang pagpapalawig ng sistensiya sa mga taong na nauna nang hinatulan sa kanilang record.
Binatikos naman ng isang criminal justice reform advocates ang batas sa kanilang bansa na hindi raw patas at malupit para sa magagaan na kaso.
“Louisiana’s habitual offender law is abused, misused and ineffective,” ayon kay Jamila Jhonson, isang senior supervising attorney para sa Southern Poverty Law Center Action Fund.
“People suffering from addiction, mental illness, and poverty can find themselves in prison for decades for something as minor as stealing $14.”
More Stories
Higit P200K shabu, nasabat sa tulak na bebot
Kelot na armado ng baril, arestado sa Malabon
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd