
MALUBHANG nasugatan ang isang lalaki matapos barilin ng isa sa apat na hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Alvin Almario alyas Buknoy ng P. Borromeo St., Brgy. Longos.
Batay sa ulat nina PSSg Diego Ngippol at PCpl Rocky Pagindas kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, naganap ang insidente dakong alas-10:10 ng gabi sa Blk 40 Marteniko St, Brgy. Longos, Malabon City.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang nakatayo ang biktima sa nasabing lugar nang dumating mga suspek at isa mga ito ang naglabas ng baril saka binaril si Almario.
Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang asawa sa nasabing pagamutan.
Patuloy naman ang follow up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO