SUGATAN ang isang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa pulis na nagresponde makaraang hingian ng tulong ng babaeng may-ari ng sari-sari store sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni P/Capt. Mikko Arellano, hepe ng Bagong Barrio Police Station ang naarestong na si Dante Avila, 31, residente ng 92 Kamagong Alley, Barangay 152, Bagong Barrio.
Sa ulat ni Capt. Arellano kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, humingi ng tulong kay Police Officer Rommel Tho, 33, nakatalaga sa Intelligence Unit ng Caloocan Police Station si alyas “Cynthia”, 49, may-ari ng sari-sati store, hinggil sa grupo umano ng mga kalalakihan, kabilang ang suspek, na nais dukutin at patayin ang kanyang manugang na lalaki.
Nang magtungo sa Kaganapan St. Brgy. 150 dakong ala-1:30 ng madaling araw ang naka-sibilyang pulis, agad siyang nagpakilalang alagad ng batas subalit, bumunot ng baril at nagtago sa likod ng nakaparadang taksi ang suspek hanggang umalingawngaw na ang palitan ng putok.
Nakita pa sa kuha ng CCTV na lumabas ng paika-ika sa gilid ng taksi ang suspek sanhi ng tama ng bala sa kanang paa subalit, nagawa pang tumakas patungo sa hindi na natukoy na lugar.
Nang rumesponde ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Station sa lugar, tinunton nila ang mga patak ng dugo hanggang makarating sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.
Ayon kay Col. Doles, nakuha ng mga pulis sa suspek ang kalibre .45 pistola na kargado pa ng bala at isang hand M84 hand grenade.
Natuklasan din ng pulisya na dati ng nakulong sa kasong murder ang suspek, bukod sa pagkakasangkot umano niya sa gun running, gun-for-hire, at pagbebenta ng ilegal na droga.
More Stories
PBBM nireorganisa NSC… VP SARA, MGA DATING PANGULO OUT!
POC busy na para sa 1st Winter Olympics Harbin Games – Tolentino
Iwas pila… NAVOTAS ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMITS