
ANTIPOLO CITY — Isang lalaki ang nasawi matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, bandang alas-3:10 ng madaling-araw nitong Miyerkules, Abril 23, 2025.
Ayon sa ulat ng Antipolo City Police Station (CCPS), nakatanggap ng tawag ang Police Community Precinct 2 (PCP2) kaugnay sa insidente at agad nagpadala ng mga tauhan upang beripikahin ang sumbong.
Batay sa paunang imbestigasyon at kuha ng CCTV sa lugar, makikitang abala sa paggamit ng cellphone ang biktima na kinilala lamang sa alyas “Michael” nang bigla siyang lapitan ng suspek at barilin sa likod ng ulo. Agad tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo patungong hindi natukoy na direksyon.
Isinugod pa sa Metro Antipolo Hospital ang biktima gamit ang bus ng Lungsod Silangan, subalit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Kabilang sa mga hakbang na isinasagawa ay ang backtracking ng CCTV footage upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin, pag-request ng SOCO para sa mas malalim na pagsusuri sa crime scene, at ang pagsasagawa ng dragnet operation sa mga posibleng pinagtaguan ng suspek.
Nanawagan ang pulisya sa publiko na makipagtulungan at magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa ikadarakip ng suspek.
More Stories
ISKO, SV, IBA PANG KANDIDATO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC SA UMANO’Y VOTE BUYING
DZRH Reporter sa Baguio, Binantaan umano ng Mayor ng Abra
ATE SARAH DISCAYA: ISANG BAGONG MUKHA NG PULITIKA—SERBISYONG WALANG KAPALIT