SWAK sa rehas na bakal ang isang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglanbag sa Art. 151 of RPC (Resistance and Disobedience to Agent of Person in Authority or Agent of such Person) at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act) ang naarestong suspek na si alyas “Mark”, 31 ng Barrio Sta. Rita South, Tala, Brgy. 188.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 5, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong alas-7:30 ng gabi nang matiyempuhan nila ang suspek na gumagala at naninigarilyo sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa sa lungsod.
Nang lapitan at hanapan siya ng identification card ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay nagtangkang tumakas ang suspek kaya hinabol siya ng mga arresting officer hanggang sa aksidente itong natisod.
Nakorner ang suspek at napansin ng mga pulis ang hawakan ng isang baril na nakausli sa kanyang kanang baywang kaya ipinataas sa kanya ang suot niyang damit kung saan nakita ang isang baril na sukbit nito.
Kaagad kinumpiska sa kanya ang naturang baril na isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala at nang hanapan siya ng mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing armas ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang arestuhin siya.
More Stories
5M PINOY WORKERS NANGANGANIB MAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA AI, CLIMATE CHANGE
P3.7-M cellphones at gadgets nilimas ng 6 na magnanakaw sa Bacoor, Cavite
POGO sinalakay sa Silang, Cavite; 23 Chinese at 6 Myanmar nationals arestado