
Balik-selda ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga at baril ng mga awtoridad sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Abril 4.
Kinilala ni PD Col Felipe Maraggun ang suspek na si alyas “Macky,” 44.
Nakumpiska sa kaniya ang isang 9mm pistol (NP17 Norinco), isang cal. 38 revolver, anim na bala ng cal. 38, labing-isang bala ng 9mm, dalawang pirasong 9mm magazine, at apat na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 29 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P197,200.
Kasama rin sa mga nakuha mula sa kaniya ang dalawang sling bag at isang coin purse. (BG)
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC