November 20, 2024

Lalaki na wanted sa statutory rape sa Valenzuela, timbog!

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki na wanted sa kaso ng statutory rape matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado sa alyas “Jerome”, 32 ng Brgy. Canumay West.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presesnsiya ng akusado sa kanilang lugar.

Kaagd bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-11:30 ng gabi sa Block 5, Lot 4, Morning Ville, Brgy. Canumay West.

Ani Col. Destura, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza Francisco ng Regional Trial Court, Branch 270, Valenzuela City noong June 29, 2023, para sa kasong Statutory Rape under Art. 266-A par. 1 as Amended by R.A. 11648.

Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Costudial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng ommitment order mula sa korte.