HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panghahalay sa isang menor-de-edad matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, na dakong alas-4:20 ng hapon ng nang madakip ang akusado na kinilala sa alyas “Kuya Bebe”, 27, ng Barangay Ugong.
Ang akusado ay inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court Branch 16, Valenzuela City noong Novemver 7, 2023 para sa kasong Rape under Art. 266-A par. 1 of the RPC in rel. to sec. 5(b) of R.A 7610 as amended by R.A 11648.
Ayon kay Col. Destura, noong araw mismong inilabas ng korte ang warrant of arrest laban sa akusado ay agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya sa Sitio Sulok, Barangay Ugong.
Ani Lt. Bautista, ang akusado ay pansamantalang nakapiit sa Costudial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA