NADAKIP ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 hinggil sa pinagtataguang lougar ng 44-anyos na akusado kaya nagsagawa sila ng validartion.
Nang positibo ang report, agad nagsagawa ang mga tauhan ng SS8 ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:15 ng gabi sa Villa Campo Gemini St., Barangay 165.
Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Regional Trial Court Branch 129, Caloocan City noong April 18, 2024, para sa kasong Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa SS8 ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA