
DINAKIP ng pulisya ang isang lalaki matapos madiskubreng may nakabinbing siyang warrant of arrest makaraang kumuha ng National police clearance sa Valenzuela City.
Kinilala ang naarestong most wanted person na si Ralph Joseph Alejandrino, 35 ng Barangay Balangkas ng lungsod.
Nabatid na kumuha ng National Police Clearance si Alejandrino sa Valenzuela City Police Station sa Mc-Arthur Highway, Barangay Karuhatan subalit, nang i-verify ay nadiskubreng mayroon siyang nakabinbing warrant of arrest.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO ang isang warrant of arrest in relation to S.A.F.E. NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alejandrino dakong alas-11:30 ng umaga.
Si Alejandrino ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Paulino Quitoras Gallegos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47, Manila City para sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 as amended by R.A. 8424 (6 counts).
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA