BAGSAK sa selda ang isang lalaki na sangkot umano sa illegal na pagbebenta ng baril matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang entrapment operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas Junjun, 42, street vendor ng Marala Bridge, Tondo Manila.
Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant ang Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa umano’y illegal na pagbebenta ng baril ng suspek kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang report, ikinasa ng SIS sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr., kasama ang TMRU na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos bintahan ng isang kalibre .38 revolver ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Sinabi Capt. Rufo na bukod sa nabili nilang baril, nakumpiska pa sa suspek ang apat na bala nito, perang ginamit na pambili na isang P1,000, kasama ang apat P1,000 boodle money at asul na bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunation.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM