KULUNGAN ang bagsak ng isang lalaki matapos maghasik ng takot makaraang manggulo habang may bitbit na baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, mahaharap ang suspek na si alyas ‘Paul’, 40, sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to BP 881 (Omnibus Election Code).
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Canals na nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Tala Police Sub-Station 14 sa Brgy., 187, nang isang concerned citizen ang lumapit at iniulat sa kanila ang hinggil sa isang lalaki na nanggugulo na nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.
Nang puntahan ng mga pulis ang lugar dakong ala-1:30 ng madaling araw, nakita nila ang suspek na may hawak na baril habang nagwawala at hinahamon ang bawat makitang tao kaya agad nila itong nilapitan saka inaresto.
Nakumpiska kay alyas Paul ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng limang bala at nang hanapan siya ng kaukulang papeles hinggil sa ligaledad nito ay walang naipakita ang suspek.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Caloocan Police Station sa kanilang mabilis na pagresponde at dedikasyon sa pagpapanitili sa peace and order.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!