September 20, 2024

Lalaki itinumba sa Port Area, Manila

Sinuri ng mga tauhan ng Manila Police District ang katawan ng isang lalaking na pinatay ng hindi pa nakikilalang gunmen sa Port Area Manila, ngayong Setyembre 6. (Kuha ni NORMAN ARAGA)

AGAD binawian ng buhay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos barilin sa Port Area, Manila.

Ang biktima ay nakasuot ng puting damit at itim na short, nasa 30-40 ang edad, na binaril ng hindi kilalang salarin sa Rail Road Street kanto ng 12th Street sa Port Area.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report mula kay Barangay 650 Zone 68 barangay officer Rodolfo kaugnay sa nangyaring pamamaril.

Agad nagtungo ang operatiba sa lugar upang kumpirmahin ang insidente.

Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa nangyaring pamamaslang.