
KINALAWIT ng pulisya ang 30-anyos na kelot nang maaktuhang sinusuri sa isang eskinita ang dalang baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Josefino Ligan, habang nagsasagawa ng anti-criminality routine patrol ang kanyang mga tauhan, naispatan nila ang isang lalaki sa madilim na eskinita sa Champaca St. Brgy. 177 habang sinusuri at nilalaro pa ang hawak ng baril.
Maingat silang lumapit bago sinunggaban ang suspek na si alyas “John-John” 30, dakong ala-1:05 ng medaling araw na hindi napansin ang mga pulis dahil abala sa ginagawang pagkalikot sa hawak na baril.
Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang isang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado pa ng apat na bala.
Ani Col. Canals, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Election Gun Ban.
More Stories
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes