SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng ipinagyabang niyang baril at granada sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek bilang si Reynaldo De Jesus, 49, ng 19A P. Concepcion, Brgy. Tugatog.
Sa imbestigasyon ni PSSg Ernie M Baroy at PSSg Mardelio Ostin, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section ng information mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa isang lalaki na armado ng ipinagyabang niyang baril habang gumagala sa kahabaan ng F. Sevilla St., Tañong.
Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PLt. Richel Sinel sa koordinasyon sa Sub-Station 6 at nakita nila ang suspek na nakalabas ang kanyang baril sa dala niyang sling na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-9:25 ng gabi.
Narekober sa suspek ang isang cal. 38 revolver na may limang bala at nang tignan ang kanyang sling bag ay nakuha pa ng mga pulis ang isang granada (Frag, MK2, HE) na tinurn-over sa Station Explosive and Canine Unit (SECU).
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosive Device).
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON