April 1, 2025

Lalake arestado sa pag-i-ingat ng hindi mga lisensyadong baril at bala sa Laguna

Arestado ang isang lalakeng suspek na nag iingat ng mga hindi lisensyadong baril at mga bala sa isinagawang search operation ng mga tauhan ng Intelligence Operatives ng  San Pablo City Police Station nuon umaga ng Biyernes (March 28, 2025) sa Brgy.Dolores ng San Pablo City, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Edward Atienza, alyas “Bong”, nasa hustong gulang at residente sa nasabing bayan.

Ayon sa ipinadalang ulat ni Laguna Police Provincial Director Police Colonel Ricardo I. Dalmacia kay Calabarzon PRO 4A Regional Director Brigadier General Paul Kenneth Lucas, pinuntahan ng mga otoridad ang bahay ng suspek para isilbi ang Search Warrant na inisyu ng RTC Branch 30, ng San Pablo City, Laguna laban sa suspek.

Nadiskubre sa ginawang paghahalughog ng mga pulis ang isang (1) unit ng Caliber 9MM pistol,  isang (1) unit ng Caliber 380 pistol, tig-dalawang piraso ng mga magazines para sa kaparehong kalibre ng mga baril at isang magazine para sa Caliber 45 na baril at ibat’ ibang klase ng mga bala.

Inaalam na rin ng mga kapulisan kung nagamit sa krimen ang mga nasamsam na baril sa suspek. Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive on Firearms and Ammunitions at  Omnibus Election Code in Relation to Comelec Gun Ban. (Erichh Abrenica)