
Talong muli ang Los Angeles Lakers sa kanilang second game kontra Phoenix Suns, 115-105. Nanguna sa pagtupok ng Suns si Chris Paul na bumira ng 23 points. Nabusl rin nito ang kanyang 20,000th career-points at 10,000th career assists.
Gayundin ng 14 assists, 5 boards at 2 steals. Nag-ambag naman si Devin Booker ng 22 points, 5 boards at 4 assists.
Samantala, bumira naman si LeBron James ng 25 points, 5 assists at 2 boards. Habang si Anthony Davis naman ay gumawa ng 22 points, 14 boards at 3 assists. Si Carmelo Anthony naman ay bumana ng 16 points at 5 boards.
Bumuslo naman si Russell Westbrook ng 15 points, 11 boards at 9 assists. Ito na ang ikalawang sunod na talo ng Lakers sa pagsisimula ng 2021-22 NBA season. Na dahil dito, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga players.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo