January 27, 2025

Lakers superstar LeBron James, nagsalita kaugnay sa racial injustice

Nagsalita si Los Angeles Lakers superstar LeBron James kaugnay sa pamamaril ng kapulisan kay Jacob Blake. Aniya, isa umano itong anyo ng racial injustice.

Lebron James Tweeter account

Nagtweet si James at nananawagan ng solidarity pagkatapos i-boycott ng Bucks ang laro.

 “WE DEMAND CHANGE. SICK OF IT,” saad ni James sa kanyang post.

Suportado rin ng NBA players union ang ginawang protesta. Kaugnay ditto, naglabas din ng statement ang unyon ng mga players.

 “The players have, once again, made it clear — they will not be silent on this issue,” ani National Basketball Players Association executive director Michele Roberts.

Ikinagalit ng players ang ginawa ng otoridad kay Jacob Blake, 29-anyos. Na ito’y pinagbabaril habang pabalik sa kotse; kung saan lulan ang kanyang 3 anak.

Pitong beses pinaputukan ng 2 pulis si Blake. Nakuhanan naman ng video ng mga bystanders ang insidente.

Ayon sa mga kapitbahay ni Blake, bago mag alas 5:00 ng hapon, nakita nila itong nag-iihaw sa labas ng apartment.

Dahil sa insidente, sumiklab ang kilos-protesta sa Kenosha. Kung saan 2 katao ang nasawi nang barilin ang mga demonstrators.