Nakalusot ang Los Angeles Lakers sa intense Game 2 ng NBA Western Conference Finals. Nilunod ng Lakers ang Denver Nuggets,105-103. Kaya, nailista nito ng 2-0 lead sa series.
Sinagip ni Anthony Davis ang Lakers sa ginawa nitong buzzer beater sa three-point arc. Dahilan upang manalo ang Lakers.
Kung hindi na-shoot ni Davis ang tres, nanalo sana ang Nuggets, 103-102. Lumamang ang Nuggets sa semi-hook shoot ni Nikola Jokic, may 20.8 seconds na lamang sa regulation.
“People talk about (I’ve) never been in this moment before, pressure, am I ready for it,” ani Davis.
“I want to take those shots.”
Kumamada si Davis ng 31 points at 9 boards. Nag-ambag naman si LeBron James ng 11 boards. Tinambakan ng Lakers ang Nuggets sa Third quarter ng 16 points, 70-54.
Pero, nahabol ito ng Nuggets sa 24-12 run. Kaya, 4 points na lang ang lamang ng Lakers sa fourt quarter.Sa panig naman ng Nuggets, umiskor si Jokic ng 30 points, 6 boards at 9 assists.Nagdagdag naman si Jamal Murray ng 25 points.
Idaraos naman ang Game 3 sa Martes (ET/8:30 PM), araw ng Miyerkules (PH time) sa ganap na alas 8:30 ng umaga.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT