Bumuslo ng 34 points si Damian Lillard upang pangunahan ang Portland TrailBlazers sa pagsungkit ng panalo sa Game 1.
Kaya naman, angat ang Portland, 1-0 sa serye kontra Western Conference top seeded Los Angeles Lakers, 100-93.
Nag-ambag naman si CJ McCollum ng 21 points at Jusuf Nurkic ng 16 points at 15 boards. Habang si Carmelo Anthony naman ay gumawa ng 11 puntos, 11 boards at 5 assists.
Nabale wala naman ang ginawa ni LeBron James na triple-double para sa Lakers. Gumawa si James ng 23 points, 17 rebounds at15 assists.
Kumamada naman si Anthony Davis ng 28 points, 11 boards mula sa 8-of-24 shooting. Bagama’t nanalo sa Game 1, nananatiling underdog pa rin ang Portland sa serye.
Dismayado naman ang Lakers sa hindi inaasahang pagkatalo. Muling maghaharap ang dalawa sa Biyernes, August 21( Manila time).
Narito ang buong stats ng Lakers-Blazers game
POR:Damian Lillard: 34 Pts. 5 Rebs. 5 Asts. 1 Blks. C.J. McCollum: 21 Pts. 5 Rebs. 1 Stls. Jusuf Nurkic: 16 Pts. 15 Rebs. 3 Asts. Carmelo Anthony: 11 Pts. 10 Rebs. 4 Asts. 1 Stls. 1 Blks.
LAL:Anthony Davis: 28 Pts. 11 Rebs. 1 Asts. 2 Stls. 2 Blks. LeBron James: 23 Pts. 17 Rebs. 16 Asts. 1 Stls. Kyle Kuzma: 14 Pts. 8 Rebs. 1 Blks.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2