Pumalaot na sa West finals ang Los Angeles Lakers pagkatapos lunurin ang Houston Rockets, 119-96 sa Game 7 (4-1).
Sa umpisa pa lang ng laro, iniwanan na agad ng Lakers ang Rockets. Lumamang ang Lakers ng 15 points, 35-20 sa first quarter.
Nanguna sa panalo ng Lakers si LeBron James na nagsalpak ng 29 points, 11 boards at 7 assists, Nag-ambag naman si Anthony Davis ng 13 points at 11 boards.
Umasiste naman si Kyle Kuzma ng 17 points, 4 boards at 2 assists.
Sa panig naman ng Rockets, bumuslo si 30 points,6 boards at 5 assists. Umalalay naman si Jeff Green ng 13 points, 2 boards at 2 blocks.
Ang pagsampa ng Lakers sa west finals ay kauna-unahan sapol noong 2010. Tinalo noon ng Lakers ang Phoenix Suns sa pangunguna ni Kobe Bryant.
Mula rito, nagkampeon ang Lakers kontra Boston Celtics (4-3) sa 2010 NBA Finals.
Hinihintay na lang ng Lakers ang makakatunggali sa west finals sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Denver Nuggets.
HOU:James Harden: 30 Pts. 6 Rebs. 5 Asts. 1 Stls. Jeff Green: 13 Pts. 2 Rebs. 2 Blks. Russell Westbrook: 10 Pts. 4 Rebs. 6 Asts. 2 Stls.
LAL:LeBron James: 29 Pts. 11 Rebs. 7 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Kyle Kuzma: 17 Pts. 4 Rebs. 2 Asts. 1 Blks. Markieff Morris: 16 Pts. 3 Rebs. 3 Asts. Danny Green: 14 Pts. 4 Rebs. 1 Asts. Anthony Davis: 13 Pts. 11 Rebs. 4 Asts. 1 Blks.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT