Nakatakas ang Los Angeles Lakers sa Denver Nuggets sa Game 4 ng best-of-7 Western Conference finals.
Naitala ng Lakers ang 3-1 lead sa series sa paglunod sa Nuggets, 114-108. Nagtala rin ng 60 points combination ang power duo ng Lakers.
Nagbuslo si Anthony Davis ng 34 points, 5 rebounds at 3 assists. Nag-ambag naman si LeBron James ng 26 points, 9 boards 8 assists.
Naging dikitan ang laro sa pagitan ng dalawang team. Hanggang sa lumamang ng 12 points ang Lakers sa second half.
Nakahabol ang Nuggets at naibaba ang lamang sa 3 points. Pero may inaapula ito ng Lakers. Ngunit, may sagot sa bawat run ng Lakers ang Denver.
Para hindi na makaungos ang Denver, mismong si LeBron na ang nagbantay sa slashing hguard na si Murray.
Malaking bagay ang nagawang 25 second change points ng Lakers kumpara sa 6 ng Nuggets. Gayundin ang foul troubles ng mga player ng Denver.
“He’s is one of the hottest guys in the bubble,” ani James patungkol kay Murray.
“He’s very shifty to guard. I just use my length and athleticism, high hand him and meet him at the basket.”
Nanguna naman si Jamal Murray ng 32 points at 8 assists para sa Nuggets. Nagdagdag naman ng 17 points si Jeremy Grant at 16 points su Nikola Jokic.
Ang Game 5 naman ay idaraos sa Sabado (ET/ 9:00 PM), araw ng LInggo (PH time/9:00 AM).
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE