Kinapos ang Los Angeles Lakers sa kanilang comeback attempt sa Madison Square Garden. Bagamat nanalo sa Detroit Pistons nitong nagdaang gabi, malas sila sa New York Knicks. Pinadapa ng Knicks ang Lakers sa iskor na 106-100.
Bumira para sa New York si Evan Fournier ng 26 points, 4 boards at 2 assists. Umalalay naman si Julius Randle ng 20 points at 16 rebounds.
Sa panig naman ng Lakers, kumana si Russell Westbrook ng triple-double. Nagtala ito ng 31 points, 13 boards at 10 assists. Si Anthony Davis naman ay naglista ng 20 points at 6 rebounds. Habang si Avery Bradley ay bumuslo ng 15 points.
Susunod na makakalaban ng Lakers ang Indiana Pacers. Habang ang Knicks naman ay sasagupa sa Phoenix Suns.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2