
Pinangunahan nina LeBron James at Malik Monk ang Los Angeles Lakers sa 4th straight wins nito. Nilunod ng Lakers ang Atlanta Hawks sa iskor na 134-118. Bumira si James ng 32 points, 9 ast, 8 reb, 4 stl at 3 blks.
Kumamada naman si Monk ng 29 points, 4 rebs at 3 assists. Habang nag-ambag naman ng tig-21 points sina T. Horton-Tucker at Avery Bradley. Si Russell Westbrook naman ay naglista ng 9 points, 13 assists at 11 boards.
Sa panig naman ng Hawks, lumagare si Trae Young ng 25 points, 14 assists at 9 boards. Ngunit, nagtala naman ito 9 turnovers.
Samantala, nilapa naman ng Minnesota Timberwolves ang Oklahoma City Thunder, 135-105. Sinuwag naman ng Chicago Bulls ang Washington Wizards, 130-122.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT