
Inipit ng Los Angeles Clippers ang LA Lakers sa isang dikdikang laban, 119-115. Nanguna sa panalo ng Clippers si Marcus Morris na gumawa ng 21 points at 2 rebounds.
Bumira naman si Paul George ng 19 points, 9 assists at 8 rebounds. Umalalay naman si Luke Kennard ng 19 points at 4 rebounds. Sa panig naman ng Lakers, kumana si Anthony Davis ng 27 points, 10 boards at 4 assists.
Nag-ambag naman si LeBron James ng 23 points, 11 boards at 6 assists. Habang si Malik Monk naman ay tumikada ng 20 points, 3 boards at 2 assists. Sa iba pang laro, nanguna naman si Joel Embiid sa pagbali ng Philadelphia 76ers sa pakpak ng Atlanta Hawks, 98-96. Gumawa siya ng 28 points, 12 boards at 4 assists.
Naglista naman si Seth Curry ng 18 points, 5 assists at 2 boards. Bumuslo naman si Trae Young ng 25 points, 10 assists at 4 boards para sa Hawks.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT