November 17, 2024

LAGUESMA IKINASA DAGDAG-SAHOD SA NCR

Sisimulan na bukas, Hunyo 20, ng Regional Wage and Productivity Board ang public hearing para sa panukalang umento sa sahod ng mga kawani sa pribadong  sektor sa  National Capital Region.

Sa Kapihan sa Manila Bay,  sinabi ni Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma na mayroong isang buwan para maglabas ng desisyon ang Tripartite Board matapos ang kanilang pagdinig.

Aniya, maaaring  sa Hulyo 16, 2024 ay mailalabas na ang magandang  resulta nang pagtalakay ng wage board.

Sa ngayon, nasa P610 ang daily minimum wage sa Metro Manila at may mga panukalang itaas  ng hanggang P800.

Ngunit ayon  sa kalihim, may iba pang paraan para itaas ang suweldo ng mga kawani  katulad ng collective bargaining agreement o CBA sa pagitan ng mga labor union at mga kumpanya.