
Mahigpit na binabantayan ng Muntinlupa Police Station ang Chico Street at Laguerta sa Barangay Tunasan Muntinlupa City Makaraang isailalim kagabi sa Granular Lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Napagpasyaan ng Muntinlupa City Government sa kanilang isinagawang biglaang pagpupulong ang tinatawag na Localized Lockdown ang nasabing kalye matapos magpositibo sa virus ang tatlong residente dito.
Kaagad din nagsagawa ng swab testing ang city health office ng lungsod sa nasabing lugar upang matukoy at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa Muntinlupa LGU epektibo alas sais kagabi ang 15 araw ng Granular Lockdown sa Chico Street.at Laguerta sa Barangay Tunasan kung saan magtatagal ito hanggang sa August 25, 2021.
Pinawi naman ng Muntinlupa LGU ang pangamba ng mga residente na apektado ng Granular Lockdown dahil bibigyan naman sila ng relief food packs at basic goods ng lungsod habang umiiral ang 15 araw na lockdown.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)