AMINADO ang isang mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) na nakatanggap siya ng mga envelope na may lamang tig-12,000 hanggang P15,000 mula kay Vice President Sara Duterte nang ito’y nanunungkulan pa bilang education secretary.
Sa pagdinig ng Kamara ngayong araw, sinabi ni DepEd director at Bids and Awards Committee (BAC) chairman Resty Osias na apat na beses siyang nakatanggap ng envelope – mula Abril 2023 hanggang Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni DepEd assistant secretary Sunshine Fajarda.
“I must be candid about this. I must say, I did. thought it was a common practice in the department. The very first time I encountered that matter was sometime in April of 2023,” sagot ni Osias sa tanong ni Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano kaugnay sa pera na natanggap niya mula kay Sara.
“I didn’t know why I was summoned to the office of Asec [Assistant Secretary] Shine. And then, I was given an envelope. It was later on I found out there was money in it. It’s not because I was BAC member yet, because [I] wasn’t at that time,” dagdag niya.
Tinanong ni Valeriano si Osias kaugnay sa isyu matapos ibunyag ni dating DepEd Undersecretary Gloria Mercado sa nakaraang pagdinig na binigyan siya ni Duterte ng limang envelope na may lamang tig-P50,000 nang siya pa ang namumuno sa procurement entity ng ahensiya. Mariin namang itinanggi ni Duterte ang naturang rebelasyon at iginiit na tinanggal si Mercado dahil sa paggamit sa kanyang pangalan nang walang permiso upang mag-solicit ng P16 milyon sa pribadong sektor.
Nabanggit ng mambabatas na hindi nakatanggap si Osias ng mga envelope noong Setyembre 2023, kasabay ng pagkakalantad ng confidential funds issue na kinasasangkutan ng Vice President.
“Mukang sumakto. Sa panahon na ‘di na giganamit ng DepEd ang confidential funds for the last quarter nang pumuputok na issue ng confidential funds,” ani Valeriano.
Umamin din si dating DepEd spokesperson Michael Poa na nakatatanggap din siya “occasionally” ng mga envelope mula sa Vice President.
Ayon kay Poa, tumanggap siya ng envelope noong Disyembre 2022, sa paliwanag na, bilang DepEd spokesperson, na tuwing may okasyon ay ginagamit niya ang pera upang ibigay sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong mula sa kanyang tanggapan. “I do remember sometime December 2022, I received an envelope with minimal amount. There were instances I would receive, not from Asec Shine, but from the VP herself,” saad ni Poa.
Wala pang pahayag ang Office of the Vice President sa pinakabagong rebelasyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA