Magandang balita para sa mga boxing fans ni boxing legend Roberto Duran; dahil bumubuti na ang kanyang lagay pagakatapos dapuan ng coronavirus.
Kung matatandaan, inilagak sa ospital ang 69-anyos na Panamian boxer pagkatapos na positisbo siya sa Covid-19. Subalit ngayon, unti-unti nang nakarerecover ang boksingero ayon sa kanyang anak na si Robin.
“Thank God for now he doesn’t have symptoms beyond a cold. He is not in intensive care nor on a respirator, just under observation,” ani Robin.
“We’ll be passing on more information over the days.”
Kaugnay sa lagay ng boxer, naglabas ng isang larawan ang pamilya ng dating four-weight division world champ mula sa pinaglagakang ospital sa pamamagitan ng Instagram ng page ng World Boxing Council.
They wrote: “The Duran family asked The WBC to notify the entire boxing community that our great champion, Roberto Duran, is in very good spirits and on his way to recovery!” anila.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison