Nasungkit ni Lady Gaga ang kanyang first ever Best Actress award mula sa New York Film Critics. Markado kasi ang pagganap ng singer-actress bilang si Patrizia Reggiani sa film na ‘House of Gucci’.
Inanunsiyo ng New York Film Critics ang mga nagwagi via Falco Ink. Isa itong public relations firm nan aka-based sa New York. Ang ‘House of Gucci’ ay idinirehe ni Ridley Scott. Kung saan ay nakasunod sa real-life events sa buhay ni Reggiani. Ang naturang babae ay nagpakasal kay Italian fashion company heir Maurizio Gucci. Ginampanan ng actor na si Adam Driver ang role ng kelot.
Naging miserable ang pagsasama nilang dalawa nang maikasal. Anupa’t naghired si Reggiani ng hitman upang patatin ang kanyang mister. Ito ang naging dahilan kung bakit nakulong siya ng 18 taon.
“We worked very closely together because we didn’t want the fashion to overpower the character,” ani Gaga.
“[Reggiani] was never as shiny as the Guccis. She was a little bit trying too hard. A little bit embarrassing.”
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?