
Binalaan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko patungkol sa pekeng social media account na ginagamit ang kaniyang pangalan.
Ayon sa alkalde, kinokopya ng naturang account ang lahat ng kaniyang official post at profile na dahilan nang pagkalito ng mga residente ng Maynila.
Nalaman ng tanggapan ni Mayor Lacuna na nakapangalan sa isang “Jenny Basilonia” ang account.
Nananawagan si Lacuna sa maapela sa publiko lalo na sa mga Manileño na tulungan siyang ireport ang nasabing pekeng account.
Nababahala ang alkalde lalo na at hindi ito ang unang beses na may gumamit sa kaniyang profile at mga post sa facebook.
Noong August 2023 may gumaya rin aniya ng account niya at nililito ang publiko.
Paalala ni Mayor Lacuna sa lahat na maging mapanuri at tingnan na lamang ang official social media pages ng lokal na pamahalaan ng Maynila upang malaman ang mga mahahalagang anunsiyo.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente