
Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 4A, Bureau of Fire Protection at ng Cavite Provincial Police Office sa nadiskubreng hinihinalang laboratoryo ng shabu nitong araw ng Miyerkules January 29, 2025 sa Brgy. Sahod Ulan, Tanza, Cavite
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nadiskubre ang kitchen type na shabu laboratory ng magresponde sila sa naganap na pagsabog na naging sanhi ng sunog at duon na napag alaman at nakita ang mga sangkap at gamit sa paggawa ng iligal na droga.
Ayon sa panayam ng media kay PDEA Spokesperson Director Lawin Gabales na may isang Filipina,dalawang Chinese Nationals at isang Indonesian National, ang nakatira sa nasabing bahay at nagsitakas matapos ang naganap na pagsabog kaya’t hindi na naabotan ng mga otoridad.
Naglatag na ng manhunt operations laban sa mga nakatakas na suspek at nakikipag ugnayan narin ang PDEA sa mga embahada ng mga dayuhan. (KOI HIPOLITO)
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na