November 21, 2024

Labor Unions may apela ngayong Women’s Day 2021

“COVID 19 and economic recovery should come with gender equality!” 

Ito ang panawagan ng Associated Labor Unions (ALU) at global union Building and Wood Workers International (BWI) bilang paggunita sa International Women’s Day sa Marso 8 sa gitna ng COVID-19 pandemic, massive vaccination roll-out at maintenance ng health at safety protocols.

Malaki ang naiambag sa ekonomiya ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor bago at sa panahon ng pandemya na patuloy nagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng publiko at serbisyo sa gitna ng matinding banta sa kalusugan at mga paghihigpit.

Malaking bahagi ng kababaihan ang bumubuo sa frontliners na nakikipaglaban sa pandemya, na tumutugon sa mga pangangailangan sa safety at health ng mga tao.

Gayunman, nalulungkot si ALU National Executive Vice President Gerard Seno dahil sa pandemyang ito na kumitil ng maraming buhay, naghasik ng kalungkutan sa pamilya, nagsarang negosyo, nawalan ng trabaho, nabawasan ang kita habang nagdagdagan ang insidente ng gender-based violence.

“The International Women’s Day is not just a celebration of women’s triumphs but also a day of protest as it is about the history of struggle from systemic women subordination  and domination, to continuing transformative action to reclaim women’s fundamental  right to equality and inherent power beginning with the use of revolutionary gender lens and, structural and cultural analysis,” paalala ni ALU National Vice President and Women’s Committee Chair Eva Arcos.

Naalarma rin si Arcos dahil naging mas digital ang karahasan dulot ng pandemya at paghihigpit, naging talamak ang pang-aabuuso sa kababaihan, harassment sa mundo ng paggawa at pangmamaliit sa kakayahan ng kababaihan.

Sa kasamaang palad, wala sa mahabaang listahan ng priority agenda ng pamahalaan ngayong 2021 ang mga alalahaning ito.

Patuloy na tinatanggap ng ALU at BWI ang mga hamon upang baguhin ang kalagayan ng mga manggagawang Filipino rito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Kabilang sa kanilang prayoridad na panawagan ngayong taon ay ang:  “full employment, occupational safety and health, achievement of gender equality, end of violence and harassment in the world of work, and government’s ratification of ILO Convention 190 that consolidates the intents and interventions of existing Philippine legislation and that addresses their gaps and challenges.”   

Iginiit ng labor unions ang kahalagahaan ng mga tungkulin ng gobyerno, employers, employee, social institutions, media at publiko sa pagtugon sa nasabing mga  concerns at isyu.