Ipagpapatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban kontra ilegal na droga kahit matapos ang kanyang termino bilang chief executive.
“Ako, paalis na. I unburdened myself to you. In a few days, I will no longer be president. Pero itong mga droga, I will continue to operate. Bahala na kung paano, basta I will continue to operate against the drug menace,” sambit ni Duterte sa commissioning ceremony ng BRP Melchora Aquino sa South Harbor sa Maynila.
May babala rin ang pangulo sa mga masasangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.
“‘Yung gusto pumasok I’m warning you. Buhay-buhay lang tayo. Either you kill me or I will kill you, simple as that. Hindi ko papayagan and even as an ex or former president, hindi ko payagan ‘yang society o ‘yung mga anak natin sisirain mo. Papatayin talaga kita, wala akong pakialam,” aniya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY